Wednesday, July 28, 2010

TAYO


Sandali, alam ko na atang sasabihin mo
Sa ‘sang saglit, maririnig na bang nasa isip mo?…

Pano ba tayo nagkaganito?
Kalian ba nagsimula ang gulo?
Mga araw na lumpias…alin ba dito’ng totoo…

Pano ba lalabanan
Di man lang natin alam ang sanhi
Tikom ang ating mga labi
Kapwa walang masabi
Sa bawat kumpas ng mga sandaling napag-iiwanan

Dati’y di naman ganito
Kathang-isip lamang ba ang gulo?
Mga araw na lumipas..alin ba ditong totoo

Dati’y di naman tayo ganito
Kathang-isip lamang ba ang gulo?
Ang lahat ng di nasabi na di mawari-wari
Parang panaginip…alin ba ditong totoo

No comments: