Wednesday, June 04, 2003

Pulang Lobo

Pulang Lobo

Pulang lobo
San ka tutungo?
Sa pinanggalingan,
Bakit ka lumisan?

Umalis ka sa kamay ng isang musmos
Na iniwan mong umiiyak doon
Hindi ka manlang naawa
At lumisan nang walang bahala

Tumakas sa mundo,
Lugar na magulo
San ka papunta?
Kung ika’y lilisan

Paalam na lamang sa’yo,
Sana’y magkita pa rin tayo
Ako, dito lang, mananatili,
Maghihintay sa ‘yong pagbalik