Saturday, May 10, 2003

Sana

Sana

Sana malaman mo na halos maloka ko kaiisip sayo,
Sana magawa ko lahat mapatunayan ko lang yung dapat,
Minsan, sinana ko tuloy na marami akong pera’t oras,
Kahit alam kong hindi mahalaga sayo,
Para lang madalas tayong magkita…

Sana naging tulad ako ng kasama mo ngayon,
Para nung una pa lang, nagkaalaman na tayo
Baka hindi ka na masaktan muli pagnagkataon…

Sana magkaron ka na ng oras at panahon sa akin
Kahit sandali lang…
Sana maisip mo manlang kahit minsan,
May isa ritong nag-aaksaya pa ng panahon
Kakahintay, ka-aabang sayo…

Sana dumating din yung oras kung san,
Isama mo na ko sa mga pangarap mo,
Isama mo na din ako pati sa mga dasal mo,
Masabi ko na lahat ng gusto kong sabihin,
Magawa ko na lahat ng gusto kong gawin,
Malaman mo lang ang dapat mo sanang malaman
Pero mukhang malabo
Mga sanang aking sinasana

Sayang lang aking mga sana
Kaya huling sana sasabihin ‘kong ito
Sana makalimutan na kita
Para sana ‘di na ko masaktan ulit

No comments: