Saturday, May 10, 2003

Kagabe

Kagabe

Nakita kita kagabe
Naglalakad sa isang tabe
Na may kasamang balake
Na syang kasama mo buong gabe

Nakita ko pa kayong nakaupo
Nag-uusap at nagtatawanan pa kayo
Lalapitan ko sana kayo
Pero mukhang ‘di a kailangan yon

Di napigilan ang sarili
Hindi ako nakatiis
Ako’y naglakas loob lumapit
Sinubukang kamustahin ka kahit sandali
Pero mabilisang lingo’t tingin
Nakuha ng batang makulit

Sana

Sana

Sana malaman mo na halos maloka ko kaiisip sayo,
Sana magawa ko lahat mapatunayan ko lang yung dapat,
Minsan, sinana ko tuloy na marami akong pera’t oras,
Kahit alam kong hindi mahalaga sayo,
Para lang madalas tayong magkita…

Sana naging tulad ako ng kasama mo ngayon,
Para nung una pa lang, nagkaalaman na tayo
Baka hindi ka na masaktan muli pagnagkataon…

Sana magkaron ka na ng oras at panahon sa akin
Kahit sandali lang…
Sana maisip mo manlang kahit minsan,
May isa ritong nag-aaksaya pa ng panahon
Kakahintay, ka-aabang sayo…

Sana dumating din yung oras kung san,
Isama mo na ko sa mga pangarap mo,
Isama mo na din ako pati sa mga dasal mo,
Masabi ko na lahat ng gusto kong sabihin,
Magawa ko na lahat ng gusto kong gawin,
Malaman mo lang ang dapat mo sanang malaman
Pero mukhang malabo
Mga sanang aking sinasana

Sayang lang aking mga sana
Kaya huling sana sasabihin ‘kong ito
Sana makalimutan na kita
Para sana ‘di na ko masaktan ulit

Friday, May 09, 2003

Sleepy little gurl -poem

Sleepy Little Gurl

Lil’ gurl, why do you look so low?
Facing the table sleeping,
With the loud and happy night
Full of glad people around

Supportive friends surrounds you
Still you’re down sleeping low
While unknown images and sounds
Runs through your sleeping mind

You stopped me with what I’m doing
Making your world so disturbed
All I could say was sorry
That made our eyes looked each other

With my lousy words
Funny for them, irritating for others
But seeing you laugh and smile at those
Made me happy and complete

I was relieved and enlightened
Problems and worries were forgotten
And a big chance was felt
With the feeling I gave you that night