Wednesday, March 12, 2003

Magulong Mundo

Magulong Mundo
Mundo, mundo
Kung san ako narito
Mapayapa noon,
Ngunit ano na ngayon?

Mundong ginagalawan
Nasa’n nang nakaraan?
Dating tahimik na pulo,
Ngayo’y ubod na ng gulo

Mula sa mga pahayagan,
Hanggang sa batikusan,
Nangyayaring kaguluhan
Ang syang pinag-uusapan

Tigil na, tama na
Masasamang balita
Sana matapos na
Mundong puno ng kaguluhan

No comments: